Ang unang araw ng Oktubre 2020, ay Ika-65 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomong ng Lahing Uighur ng Xinjiang ng Tsina.
Ang Xinjiang ay nasa dakong hilagang kanluran ng Tsina, sakop nito ang mahigit 1.6 milyong ektaryang lupain, at tahanan ng 25 milyong mamamayan mula sa 50 iba’t ibang nasyonalidad.
Sa mula’t mula pa’y, walang humpay na nagsisikap ang lahat ng mamamayan nito para magkakasamang mapa-unlad ang kanilang lupang-tinubuan.
Noong nakaraan, malubhang naapektuhan ng karahasan ang Xinjiang, at grabeng napinsala ang kaligtasan ng pamumuhay at ari-arian ng mga mamamayan dito.
Dahil dito, tinutukan ng lokal na pamahalaan ng Xinjiang ang pagpuksa sa terorismo, at sa ngayon tinatamasa ng rehiyon ang malaking positibong bunga: napigilan ang mga karahasan, naging mabuti ang kaayusang panlipunan, at naging mas maligaya ang mga mamamayan.
Sa pulong ng Konseho ng United Nations sa Karapatang Pantao na idinaos noong Hulyo 2020, sinabi ng mahigit 40 bansa, na positibo nilang pinahahalagahan ang bungang natamo ng usapin ng karapatang pantao sa Xinjiang.
Bukod dito, nitong ilang taong nakalipas, pinapalakas ng sentral na pamahalaang Tsino at mga lokal na pamahalaan ng Xinjiang ang konstruksyong pangimprastruktura, pagbibigay-tulong sa mahihirap, at pagpapa-unlad ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan.
Hanggang katapusan ng 2019, mga 2.92 milyong populasyon ng Xinjiang ang nai-ahon mula sa karalitaan, at posibleng bago katapusan ng 2020, ang kahirapan sa rehiyong ito ay magiging ala-ala na lamang.
Nitong ilang taong nakalipas, mataimtim na ginampanan ng Xinjiang ang responsibilidad bilang prontera ng pagbubukas ng Tsina sa dakong kanluran.
Kaugnay nito, noong 2019, tumaas sa 1.35 trilyong yuan RMB ang rehiyonal na Gross Domestic product (GDP) ng Xinjiang mula sa 926 bilyong yuan RMB lamang noong 2014.
Sa kasalukuyan, ang Xinjiang ay mayroong nukleong katayuan sa Silk Road Economic Belt, nasa prontera ng pagbubukas sa labas ng Tsina, at mahalagang hub ng Tsina sa daigdig.
Salin:Sarah