"Ang biodiversity ay hindi lamang pundasyon ng sustenableng pag-unlad, ito rin ay target at pamamaraan."
Ito ang ibinida ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang video speech sa United Nations Summit on Biodiversity, na ginanap nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Dagdag pa ni Xi, ang mga tao ay dapat alinsunod sa batas ng kalikasan at lumilinang sa lahat ng buhay sa mundo.
Kailangan din aniya ng mga tao na hanapin ang pagkakataon para sa kaunlaran sa pamamagitan ng pag-aaruga sa kalikasan, para maisakatuparan ang win-win na situwasyon ng proteksyon ng ekolohiya at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
标签:biodiversity Paghahanap ng pagkakataong pangkaunlaran sa proseso ng pangangalaga sa kalikasan nararapat - pangulong Tsino Radyo Internasyonal ng Tsina