Paniniil ng Amerika sa mga kompanyang dayuhan, di-makatarungan

2020-10-01 18:16:45  CMG
Share with:

Paniniil ng Amerika sa mga kompanyang dayuhan, di-makatarungan_fororder_tiktok01

 

Dahil sa desisyon kamakailan ng korte sa Washington, pansamantalang itinigil ng pamahalaang Amerikano ang pagsasagawa ng ban sa TikTok, kilalang video sharing APP.

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga dalubhasa na sinusugpo ng Amerika ang mga kompanyang Tsinokahit walang anumang dahilan.

 

Sa hinaharap, posible anilang gawin din ito ng Amerika sa iba pang kompanyang dayuhan.

 

Ang paniniil ng Amerika sa mga kompanyang dayuhan ay labag sa panuntunan ng pag-unlad ng sangkatauhan, ayon kay Zuo Xiaodong, dalubhasang Tsino sa seguridad ng impormasyon.

 

Ang aksyon ng Amerika ay kawalan aniya ng paggalang sa ibang bansa at ito ay maliwanag na hegemonismo.

 

Layon ng Amerika na sugpuin ang bagong teknolohiya ng ibang bansa, saad ni Zuo.

 

Samantala, ipinalalagay naman ni Lu Chuanying, dalubhasang Tsino mula sa Shanghai Institutes For International Studies, na sinusugpo ng Amerika ang TikTok dahil ito ay kompanyang Tsino.

 

Hindi aniya papayag ang Amerika na maging mas kompetetibo ang mga dayuhang kompanya kaysa sa mga kompanyang Amerikano.

 

Sinabi naman ng komentaryo ng Harvard Business Review na lalo pang ipinakikita ng ban Amerika sa TikTok, na ito ay isang bansang hindi maggagarantiya ng kapakanan ng komersyong pandaigdig, bagkus, ito ay isang potensyal na banta.

 

Binababago ng ideyang ito ang kabuhayang pandaigdig, at ang pananaw sa mga kompanyang Amerikano.

Paniniil ng Amerika sa mga kompanyang dayuhan, di-makatarungan_fororder_tiktok02

 

Salin:Sarah

Please select the login method