Ginanap nitong Huwebes, Oktubre 1, ang Pulong ng United Nations (UN) bilang Paggunita sa Ika-25 Anibersaryo ng Ika-4 na World Conference on Women (WCW).
Sa ngalan ng Tsina, sa kanyang naka-video na talumpati, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ang apat na mungkahi, at mga gagawing aksyon ng bansa sa susunod na limang taon para ibayo pang mapasulong ang pandaigdig na usaping pambabae
Kabilang sa apat na mungkahi ang pagbibigay-tulong sa kababaihan para maka-ahon sa epektong dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), totohanang pagpapa-iral ng pagkakapantay na pangkasarian, pagpapataas ng katayuan ng mga kababaihan, at pagpapahigpit ng pagdaigdigang pagtutulungan sa mga usaping pambabae.
Dalawampu't limang (25) taon ang nakakaraan, ginanap sa Beijing ang Ika-4 na World Conference on Women, kung saan pinagtibay ang Beijing Declaration at Platform for Action. Ngayong taon ay ika-5 anibersaryo ng Global Women's Summit. Bilang mahahalagang muhon sa kasaysayan ng usaping pambabae, kapuwa nagdudulot ng malalim na impluwensiya sa pagtiyak sa karapatan at pagpapasulong ng liberalisasyon at pag-unlad ng kababaihan ang dalawang pulong.
Ang mga mungkahi ng pangulong Tsino ay alinsunod sa diwa ng naturang dalawang pulong at kasalukuyang situwasyon ng daigdig.
Ayon sa pagtaya ng UN, dahil sa COVID-19, mahigit 47 milyong babae ay nalalagay sa extreme poverty. Kaya, pangkapigitan ang pagbibigay-tulong sa kababaihan para makaahon sila sa karalitaan, at kinakailangan nito ang sama-samang pagsumisikap ng buong mundo.
Sa susunod na limang taon, ipinangako ni Xi na muling ipagkakaloob ng Tsina ang sampung milyong donasyon sa UN Women, patuloy na popondohan ang UNESCO Prize for Girls' and Women's Education, at iba pa. Iminungkahi rin ni Xi ang muling pagdaraos ng World Conference on Women sa 2025.
Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN na kung hindi kaagad na kikilos ang lahat, dahil sa COVID-19, mawawala ang mga natamong bunga sa pagpapasulong ng pagkakapatas ng kasarian.
Sa hamon ng pandemiya, nararapat na magkapit-bisig ang iba't ibang bansa para itatag ang mundo na mas inklusibo at walang diskriminasyon sa kababaihan. Kung magkakagayon lamang, maisasakatuparan ang sustenableng pag-unlad ang sangkatauhan.
Salin: Jade
标签:kababaihan CMG Komentaryo: Aksyon ng Tsina para sa pandaigdig na pagkakapantay ng kasarian walang humpay Radyo Internasyonal ng Tsina