CMG Komentaryo: Bagong modelo ng pag-unlad ng Tsina, makakabuti sa kabuhayan ng bansa at daigdig

2020-10-04 16:37:56  CMG
Share with:

Nagkakaroon ngayon ang mga Tsino ng 8-araw na bakasyon para sa Mid-Autumn Festival at Pambansang Araw. Sa panahong ito, masigla ang pamilihan ng Tsina, maraming tao ang bumibiyahe sa iba’t ibang lugar ng bansa, at malaki ang halaga ng konsumo. Ito ay bunga ng bagong modelo ng pag-unlad ng Tsina, na gawing batayan ang pamilihang domestiko, at patingkarin ang papel ng kapwa pamilihang domestiko at internasyonal sa pagpapasigla ng isa't isa.

 

Sa ilalim ng modelong ito, ang pamilihang domestiko ay nagiging batayan ng pag-unlad ng Tsina. Nangangahulugan ito ng paggagalugad ng potensyal at pagpapalawak ng pangangailangang panloob ng bansa. Sa katotohanan, pagkaraan ng pandaigdig na krisis na pinansyal noong 2008, sinimulan ng Tsina ang pagpapahalaga sa pangangailangang panloob. Nitong mga taong nakalipas, pahalaga nang pahalaga ang papel ng pangangailangang panloob para sa pagpapaunlad ng kabuhayang Tsino, at palaki nang palaki ang proporsiyon nito sa GDP ng bansa.

 

Samantala, ang pagpapatingkad ng papel ng kapwa pamilihang domestiko at internasyonal sa pagpapasigla ng isa't isa ay magpapahigpit ng ugnayan ng kabuhayan ng Tsina at daigdig. Sa isang banda, ang pagpapalawak ng Tsina ng pangangailangang panloob ay lilikha ng mas malaking pamilihan at maraming pagkakataong pangnegosyo para sa ibang bansa. Sa kabilang banda, ang mabuting takbo ng sistemang industriyal ng Tsina ay makakabuti sa katatagan ng industrial chain ng daigdig.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method