Ika-16 na China International Cartoon and Animation Festival, matagumpay na ipininid

2020-10-05 13:31:32  CMG
Share with:

Matagumpay na ipininid kahapon, Linggo, ika-4 ng Oktubre sa Hangzhou, lunsod sa timog silangang Tsina ang 6-araw na Ika-16 na China International Cartoon and Animation Festival.

 

Masigla ang paglahok ng mga karaniwang tao, propesyonal, at cartoon and animation company sa pestibal na ito.

 

Ayon sa estadistika, halos 740 libong bisita ang lumahok sa iba't ibang offline activity ng pestibal. Ang bilang naman ng mga kalahok sa mga online activity ay lumampas sa 10 milyong person time.

 

Sa pamamagitan ng offline at online platporm, nagtanghal sa pestibal ang mahigit 2600 cartoon and animation company at halos 5900 eksibitor at propesyonal mula sa 65 bansa at rehiyon.

 

Itinanghal din sa pestibal ang mahigit 100 animation mula sa iba't ibang bansa.

 

Sa sideline ng pestibal, idinaos din ang International Animation and Game Business Conference. Inilabas dito ang 14 na malaking proyektong may kinalaman sa cartoon at animation, at nilagdaan ang mga kasunduang nagkakahalaga ng mahigit 250 milyong yuan RMB.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method