Ayon sa impormasyon kamakailan ng Ministri ng Agrikultura ng Tsina, pagkaraang igarantiya ang masaganang ani sa taglagas, may pag-asang aabot sa 650 bilyong kilogram ang output ng pagkaing-butil ng Tsina sa buong taong ito.
Ito ay magiging tuluy-tuloy na ika-6 na taon, na mananatili sa bilang na ito ang taunang output ng pagkaing-butil ng Tsina.
Ayon naman sa estadistika, noong 2019, mahigit 660 bilyong kilogram ang output ng pagkaing-butil ng Tsina, at ito ay bagong record high sa kasaysayan.
Batay sa bilang na ito, nagkaroon ang bawat Tsino ng mahigit 470 kilogram na pagkaing-butil. Ito ay mas mataas kaysa 400 kilogram na food security line na kinikilala sa daigdig, at karaniwang lebel din ng buong daigdig.
Salin: Liu Kai