Sa Golden Week o bakasyon para sa Mid-Autumn Festival at Pambansang Araw ng Tsina sa kasalukuyang taon, masiglang masigla ang pamilihan ng turismo sa iba’t ibang lugar ng bansa. Kasabay nito, mahigpit na pinapabuti ng iba’t ibang departamento ang gawain ng regular na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at kinukumpleto ang mga gawaing gaya ng paggarantiya sa transportasyon, serbisyo sa pagkain at inumin at serbisyong panturista, upang maigarantiya ang kaayusan ng pamilihan at seguridad ng mga manlalakbay.
Salamat sa mga mahigpit na hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, maayos ang takbo ng lipunan sa iba’t ibang lugar ng bansa sa panahon ng bakasyon, at malakas ang tunguhin ng pagbangon ng pamilihan ng turismo at kapistahan.
Sa kapipinid na Ika-16 na China International Cartoon and Animation Festival, sumali rito ang mahigit 2600 cartoon and animation company at halos 5900 eksibitor at propesyonal mula sa 65 bansa at rehiyon. Pinakamalaki rin ang bilang ng mga turistang tinanggap ng Yangshuo County, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19.
Salin: Vera