Sa panahon ng pangkalahatang debatehan ng Ika-3 Komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), sa ngalan ng 45 bansa, bumigkas ng talumpati nitong Martes, Oktubre 6, 2020 ang Cuba bilang matatag na pagkatig sa mga isinasagawang hakbangin ng Tsina sa paglaban sa terorismo at de-ekstrimisasyon sa Xinjiang.
Sa talumpati, hinahangaan ng nasabing mga bansa ang ideya ng pamahalaang Tsino na ginagawang sentro ang mga mamamayan, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pagpawi sa karalitaan, pagdaragdag ng mga trabaho, pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao.
Diin nila, nitong mahigit 3 taong nakalipas, wala pang naganap na marahas na kasong teroristiko. Maligayang nagtatrabaho at namumuhay ang mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad ng Xinjiang sa matahimik at matatag na kapaligiran, anila pa.
Tinututulan din nila ang pagsasagawa ng walang batayang pagbatikos at walang galang na panghihimasok ng ibang bansa sa Tsina hinggil sa isyu ng Xinjiang.
Salin: Lito