Bolyum ng kalakalan ng mga paninda sa buong mundo sa 2020, bababa ng 9.2% — WTO

2020-10-07 10:56:24  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng World Trade Organization (WTO) bababa ng 9.2% ang bolyum ng kalakalan ng paninda sa buong daigdig sa kasalukuyang taon.
 

Batay ito sa ulat na pinamagatang Datos at Prospek ng Kalakalang Pandaigdig na inilabas ng WTO nitong Martes, Oktubre 6, 2020.
 

Tinaya rin ng ulat na sa susunod na taon, lalaki ng 7.2% ang kalakalan ng paninda sa buong mundo na labis na mas mababa kumpara sa naunang pagtaya ng paglaki ng mahigit 20%.
 

Bukod dito, ipinagdiinan ng WTO na mayroong pang mataas na kawalang-katiyakan ang nasabing tinatayang datos. Anito, ang kalagayan ng kalakalang pandaigdig ay depende pangunahin na, sa pagpapatuloy ng pandemiya ng COVID-19 at mga isinasagawang hakbangin ng mga bansa sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
 

Salin: Lito

Please select the login method