Tangka ng Amerika na dungisan ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina, muling nabigo

2020-10-07 14:00:47  CMG
Share with:

Nitong Martes, Oktubre 6, 2020, sa pagsusuri ng Ikatlong Komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) sa isyu ng karapatang pantao, lantaran at walang pag-aalangang dinungisan ng iilang bansang gaya ng Amerika, Alemanya at Britanya ang Tsina, at pinakialaman nila ang suliraning panloob ng Tsina.
 

Buong tinding  pinabulaanan ito ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN. Aniya, mahigpit na tinututulan at ganap na tinanggihan ng panig Tsino ang di-totoong pagbatikos ng nasabing iilang bansa.
 

Sa sesyon, halos 70 bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa posisyon ng panig Tsino. Sinusuportahan nila ang ginagawang pagsisikap ng panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya, seguridad, at unipikasyon ng bansa. Lubos din nilang pinapurihan ang natamong bunga ng pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina.
 

Nabuo sa sesyon ang malakas na puwersa ng pagkatig sa Tsina, bagay na muling bumigo sa  tangka ng iilang bansang gaya ng Amerika na sirain ang kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina.

Salin: Lito

Please select the login method