Mga lehitimong panawagan sa UN, nagpapakitang nasa puso ng mga tao ang katarungan — Hua Chunying

2020-10-07 16:29:09  CMG
Share with:

Mga lehitimong panawagan sa UN, nagpapakitang nasa puso ng mga tao ang katarungan — Hua Chunying_fororder_20201007Hua550

Sa ikatlong komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), walang galang na tinalakay ng iilang bansang kanluranin ang isyu ng Hong Kong at Xinjiang. Bilang tugon, halos 70 bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa posisyon ng panig Tsino, at tinututulan nila ang panghihimasok ng iilang bansang kanluranin sa suliraning panloob ng Tsina.
 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing mga lehitimong panawagan ay muling nagpapakitang nasa  puso ng mga tao ang katarungan. Aniya, muling nabigo ang tangka ng iilang bansang kanluranin na dungisan ang Tsina sa katuwiran ng isyu ng Hong Kong at Xinjiang, ani Hua.
 

Ipinagdiinan ni Hua na sa katunayan, ang isyu ng Hong Kong at Xinjiang ay hindi isyu ng karapatang pantao na isinusulsol ng iilang puwersang kanluranin, at hindi dapat ito isapulitika.
 

Dagdag niya, buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang paglikha ng sinuman, anumang bansa at puwersa ng di-katatagan, paghihiwalay-hiwalay, at kaguluhan sa Tsina. Buong tatag ding tinututulan ng panig Tsino ang   panlilinlang na pulitikal sa pamamagitan ng isyu ng Hong Kong at Xinjiang at panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, diin pa ni Hua.
 

Salin: Lito

Please select the login method