Sa virtual meeting na idinaos nitong Miyerkules, Oktubre 7, 2020 ng G20, ipinangako ng grupo na pasusulungin ang industriya ng turismo para makapagbigay ang turismo ng mas malaking ambag sa sustenableng pag-unlad ng buong daigdig.
Pinanguluhan ang pulong ng Saudi Arabia, kasalukuyang bansang tagapangulo ng G20.
Ayon sa deklarasyong inilabas sa pulong, magsisikap ang G20 para pasiglahin ang pag-ahon ng turismo. Lubos ding nitong patitingkarin ang potensyal ng turismo sa mas mabilis na pagpapa-ahon ng kabuhayang pandaigdig sa post-pandemic era.
Salin: Lito