Ayon sa datos na isinapubliko ng Departamento ng Kultura at Turismo ng Probinsyang Hubei ng Tsina, mula noong unang araw hanggang ika-pito ng Oktubre 2020, pinasyalan ang 30 pangunahing lugar na panturista ng probinsyang ito ng mahigit 2 milyong turista. Umabot din sa 205 milyong Yuan RMB ang tourism income.
Ayon pa sa pagtaya, sa panahon ng bakasyon ng Pambansang Araw, ang buong probinsyang Hubei ay pinuntahan ng mahigit 48 milyong turista na nakapagbigay ng mahigit 32.3 bilyong yuan kita mula sa tourismo.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroong 227 grupong boluntaryo at 8433 boluntaryo sa buong probinsyang Hubei ang naglilingkod para sa mga turista doon.
Salin: Lito