Taunang pulong ng WEF sa 2021, idaraos sa Buergenstock sa Mayo 2021

2020-10-08 14:01:14  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Oktubre 7, 2020 ng World Economic Forum (WEF) na idaraos ang taunang pulong  nito sa Mayo 18 hanggang 21,  2021. Samantala, sa halip na Davos, gaganapin ito  sa Buergenstock.
 
Ipinagdiinan ng WEF na sa paunang kondisyon ng paggarantiya sa kalusugan at kaligtasan ng mga makikilahok at host, saka lamang idaraos ang taunang pulong nito.
 
Ipinahayag din ng WEF na magiging tema ay “Pag-ahon ng Mundo” ng gaganaping taunang pulong na magtatampok sa kalutasang kinakailangan ng buong daigdig sa pagharap sa mga pinakamahigpit na hamon.
 
Ayon sa plano ng WEF, magkakasamang babalangkasin ng mga kalahok na lider mula sa iba’t-ibang sirkulo ng buong daigdig ang road map ng pagpapa-ahon ng kabuhayang pandaigdig, at magkakasamang lilikhain ang pag-usbong ng daigdig sa post-pandemic era para muling itayo ang isang mas inklusibo at sustenableng lipunan.
 

Salin: Lito

Please select the login method