Pagbangon ng hanapbuhay ng Amerika, mahirap

2020-10-09 16:25:33  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa estadistikang inilabas Oktubre 8, 2020, ng United States Department of Labor, sa loob ng isang linggo mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3, 840 libo ang bilang ng mga unang aplikasyon para sa unemployment benefit sa Amerika.

 

Ang bilang na ito ay mas mababa ng 9 na libo lamang kumpara sa tinalikdang linggo, at ipinakikita nito ang mahirap na pagbangon ng hanapbuhay sa Amerika.

 

Bukod dito, itinigil kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang bagong round ng talastasan sa pagitan ng White House at mga Democrat sa Kongreso hinggil sa pagpapasigla ng ekonomiya.

 

Ipinalalagay naman ng mga opisyal at dalubhasa ng bansa na lalo pa nitong hihilahin pababa ang hanapbuhay ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Please select the login method