Mahigpit na kinondena Oktubre 8, 2020, ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran ang isinagawang sangsyon ng Amerika sa 18 bangkong Iranyo.
Sinabi ni Zarif na sa panahon ng pandemiya ng Corona virus Disease 2019 (COVID-19), sinusubukang sirain ng pamahalaang Amerikano ang tsanel ng pagbabayad ng Iran para sa pag-aangkat ng mga pagkain at gamot.
Ito aniya ay “krimen pangsangkatauhan.”
Noong Hulyo 2015, narating ng Iran at Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at ayon dito ipinangako ng Iran na limitahan ang planong nuklear nito, upang kanselahin ng komunidad ng daigdig ang sangsyon sa bansa.
Noong 2019, unilateral na umalis ang Amerika mula sa JCPOA, at sinimulan muli ang sangsyon sa Iran.
Bilang tugon, mula Mayo 2019, itinigil ng Iran ang pagsasakatuparan ng ilang regulasyon ng JCPOA.
Salin:Sarah