Nitong ilang araw na nakalipas, naging mainit ang debatehan ng mga kalahok sa Ika-3 Komite ng Ika-75 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN) tungkol sa isyu ng karapatang pantao.
Sa sesyon, dinungisan ng ilang bansang gaya ng Amerika ang kalagayan ng karapatang pantao sa Tsina, bagay na buong diing pinabulaanan ng panig Tsino.
Samantala, halos 70 bansa ang nagpahayag ng kanilang suporta sa posisyon ng panig Tsino.
Sa arena ng UN, ito ay maikukunsidera bilang isa na namang matinding ganting-salakay ng multilateralismo laban sa unilateralismo.
Iginigiit ng ilang politikong Amerikano ang double standards sa mga suliraning pandaigdig.
Nais nilang isagawa ang dahas o unilateral na sangsyon sa ibang bansa, bagay na grabeng nakakapinsala sa kakayahan ng mga bansang pinapatawan ng sangsyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ito ay nagdudulot ng sistematikong pagsira sa karapatang pantao.
Ang nasabing ilang politikong Amerikano ay nagsisilbing pinakamalaking tagasira sa pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ito rin ay isa pang kapinsalaang kanilang ginagawa sa mga mamamayan ng buong daigdig.
Sa ngalan ng 26 na bansa, bumigkas ng talumpati ang kinatawang Tsino kung saan muling tinukoy na ang pagkakaisa at pagtutulungang pandaigdig ay pinakamalakas at pinamabisang sandata sa pakikibaka at pagtatagumpay kontra sa pandemiya.
Dapat aniyang lubusang kanselahin ang unilateral at sapilitang hakbangin para maigarantiyang komprehensibo at mabisang maharap ng komunidad ng daigdig ang pandemiya.
Ang posisyong ito ay lubos na nagpapakita ng komong mithiin ng komunidad ng daigdig.
Salin: Lito