Wang Yi, makikipagpulong sa mga counterpart mula sa mga bansang ASEAN; ugnayan palalalimin, kooperasyon isusulong

2020-10-10 10:53:43  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsasagawa sa malapit na hinaharap ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ng isang serye ng mga pulong  7 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinahayag nitong Biyernes, Oktubre 9, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay lubos na nagpapakita ng matapat na mithiin at matatag na determinasyon ng panig Tsino sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-ASEAN, at pagpapalalim ng mapagkaibigang relasyon sa mga bansang ASEAN.

 

Ayon sa ulat, ang nasabing serye ng aksyong diplomatiko ay kinabibilangan ng gagawing pagdalaw sa Tsina ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas at Espesyal na Sugo ng Pangulong Indones, at gagawing biyahe ni Wang Yi sa Cambodia, Malaysia, Laos, Thailand, at Singapore.

 

Tungkol dito, ipinahayag ni Hua na ang mga bansang ASEAN ay pawang mapagkaibigang kapitbansa, at mahalagang katuwang ng Tsina sa magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road.”

 

Ani Hua, umaasa at nananalig ang panig Tsino na bilang mga miyembro ng kalaking pamilya ng Asya, patuloy na magsisikap ang mga bansang ASEAN kasama ng panig Tsino, para matatag na maipagtanggol ang multilateralismo, at pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig, mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang panrehiyon, at makapagbigay ng mas malaking matatag na elemento sa pag-unlad ng rehiyon at buong daigdig.

Salin: Lito

Please select the login method