Sa okasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Workers' Party of Korea (WPK), nagpadala ng mensaheng pambati kay Kim Jong Un, Tagapangulo ng WPK, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pangulo ng bansa.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 75 taon, sa ilalim ng pamumuno ng WPK, naisakatuparan ng Hilagang Korea ang pagsasarili ng bansa at liberalisasyon ng mga mamamayan, at natamo ng sosyalistang usapin ang dakilang tagumpay.
Aniya, bilang comrade at kaibigan, taos pusong ikinasiya ng Tsina ang isang serye ng mga mahalagang bunga na natamo ng partido at mga mamamayan ng Hilagang Korea.
Nananalig si Xi na sa ilalim ng pamumuno ng Komite Sentral ng WPK, tiyak na magpunyagi ang WPK at mga mamamayang Hilagang Koreano, upang walang humpay na pasulungin ang sosyalistang usapin ng bansa.
Dagdag ni Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng panig Hilagang Koreano, na pangalagaan, patibayin at paunlarin ang relasyon ng dalawang bansa, at pasulungin ang pangmalayuang pag-unlad ng sosyalistang usapin ng dalawang bansa, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan, at gumawa ng bagong positibong ambag sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Vera
标签:Xi Jinping DPRK Pangulong Tsino bumati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Workers' Party of Korea Radyo Internasyonal ng Tsina