Xi Jinping sa mga batang opisyal na Tsino: palakasin ang kakayahan sa praktikal na paglutas ng problema

2020-10-11 17:38:52  CMG
Share with:

Binigyang-diin kahapon, Sabado, ika-10 ng Oktubre 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa harap ng kasalukuyang masalimuot na kalagayan at mga masusing tungkulin ng bansa, isang mahalagang pangangailangan ang pagpapalakas ng kakayahn sa praktikal na paglutas ng problema.

 

Hiniling niya sa mga opisyal na Tsino, lalung-lalo na sa mga batang opisyal, na magbigay-halaga sa mga problema, at magpokus sa paglutas ng mga ito.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsisimula ng isang programa ng pagsasanay para sa mga kabataan at katamtamang gulang na opisyal sa National Academy of Governance ng Tsina.

 

Naitatag noong 1994, ang naturang akademiya ay isang sentro ng pagsasanay para sa mga civil servant sa panggitna at nakatataas na antas, mga tagapamahala sa nakatataas na antas, at mga mananaliksik ng mga patakarang pang-estado.

 

Nagbibigay ito ng konsultasyong pampatakaran sa pamamahala ng gobyerno at gumagawa ng teoretikal na pananaliksik sa mga larangang tulad ng pamamahalang pampubliko.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method