Ayon sa China National Space Administration, matagumpay na isinagawa kamakalawa ng gabi (Beijing time), Biyernes, ika-9 ng Oktubre 2020, ng Tianwen-1 Mars probe ng Tsina, ang pag-aayos ng tulin at direksyon ng lipad, para igarantiya ang mas eksaktong pagdating nito sa Mars sa loob ng apat na buwan.
Ayon pa sa nabanggit na administrasyon, para maisagawa ang operasyong ito, tumakbo sa loob ng 480 segundo ang pangunahing makina ng Tianwen-1.
Ang operasyon ay naganap 29.4 milyong kilometro mula sa Mundo, at ito ang pinakamahirap na operasyon ng naturang probe, makaraang mailunsad noong nagdaang Hulyo.
Salin: Liu Kai