Paglahok ng Tsina sa COVAX, binigyan ng positibong pagtasa ng komunidad ng daigdig

2020-10-11 17:39:44  CMG
Share with:

Positibong pagtasa ang ibinigay ng komunidad ng daigdig kaugnay ng paglahok ng Tsina sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility (COVAX).

 

Ayon sa mga media na tulad ng The Guardian ng Britanya, Reuters, Bloomberg, Al Jazeera, at iba pa, hanggang sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking bansa sa daigdig na lumahok sa COVAX, at nagbigay ito ng mas malakas na kompiyansa sa pagkakaisa ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

 

Ipinahayag naman nina Seth Berkley, CEO ng GAVI Vaccine Alliance, at Jerome Kim, Direktor Heneral ng International Vaccine Institute, na sa pamamagitan ng paglahok ng Tsina, lalo pang matatag na maisusulong ng COVAX ang target nitong pantay-pantay na pagbabahagi ng mga bakuna laban sa COVID-19, lalung-lalo na sa mga umuunlad na bansa.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method