Ang larawang ito na pinamagatang "Patient Zero at Pagsiklab ng Coronavirus sa White House" ay ang magiging pabalat ng bagong ediston ng magasing Time ng Amerika, at ito ay ililimbag sa ika-19 ng buwang ito.
Sa itim na background, makikita sa bahaging ilalim ang White House.
Ibinubuga mula sa apat na tsimenea nito ang napakaraming coronavirus na kulay dugoat halos mapuno ang buong larawan.
Ipinakikita ng larawang ito ang grabeng pagkalat ng coronavirus sa White House.
Pagkaraang mag-positibo noong Oktubre 2 sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sina Pangulong Donald Trump at First Lady Melania Trump, 36 na iba pa ang mga naitalang apektado ng sakit na ito sa White House, hanggang Oktubre 9.
Samantala, sa cover story na sinulat ni Molly Ball para sa nabanggit na edisyon ng Time, sinabi niyang "A President obsessed with strength and dominance could never stand to be revealed as a sick, vulnerable old man, a mortal made of flesh like the rest of us, ashes to ashes. In recent weeks, Donald Trump has bullied the Congress, his political opponent and the very machinery of democracy itself, all while mocking health precautions, practically daring the virus to infect him. He would sacrifice those around him, the country and even potentially his own health -- anything it took not to appear weak."
Dagdag ng artikulo: "When the President sneezes, America gets a cold. When the President gets COVID-19, America, too, must contemplate its frailty. His pathologies are our pathologies. Trump, like COVID, has scrambled our sense of national identity, with effects that will linger beyond Nov. 3."
Sa kabilang banda, sa kanya namang artikulo sa pahayagang Washington Post, sinabi ni Rick Bright, imunolohista at mananaliksik ng bakuna na nagbitiw kamakailan mula sa National Institutes of Health ng Amerika, na ang pagsasapulitika ni Trump sa usapin ng pagharap sa COVID-19 ay nagdulot ng libu-libong pagkasawi sa Amerika.
Ipinalalagay din niyang, bulag na pumapasok ang Amerika sa posibleng pinakamadilim na taglamig sa modernong kasaysayan ng bansa.
Aniya, kung hindi pabubutihin ng Amerika ang mga hakbangin ng pagkontrol sa COVID-19, mahahawahan ng sakit na ito ang milyon pang Amerikano at libu-libo pa ang masasawi.
Salin: Liu Kai