Phnom Penh — Sa kanyang pakikipagtagpo kamakailan kay Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya, ipinahayag ni Wang Yi, dumadalaw na Kasagguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ibayo pang lumalalim ang pagkakaibigang Sino-Kambodyano sa proseso ng magkasamang pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Kambodyano para ibayo pang mapatibay ang pagtitiwalaang pulitikal at mapalalim ang pagkakatigan sa isa’t-isa.
Sinabi ni Wang na kasalukuyang napapanatili ang malakas na tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Kambodya sa iba’t-ibang larangan.
Aniya, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang panig Kambodyano sa paglaban sa pandemiya, preperensyal na magkakaloob ng bakuna sa panig Kambodyano, at bibilhin ang mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural.
Ipinahayag naman ni Hor Nam Hong ang lubos na papuri sa natamong tagumpay ng Tsina sa pakikibaka laban sa pandemiya.
Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na tulong ng panig Tsino sa panig Kambodyano sa usaping ito.
Dagdag pa niya, nakahanda ang Kambodya na isakatuparan kasama ng Tsina ang plano ng magkasamang aksyon sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa para mapasulong pa sa mas mataas na lebel ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Lito