Paglahok ng Tsina sa COVAX, malugod na tinanggap ng EU

2020-10-12 16:13:32  CMG
Share with:

Malugod na tinanggap ng Unyong Europeo (EU) ang paglahok ng Tsina sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility (COVAX).

 

Ito ang ipinalabas sa social media, Oktubre 11, 2020, ni Ursula von der Leyen, Pangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo.

 

Sinabi rin niyang magkapareho ang target ng EU at Tsina, at ito ay pagsusulong sa multilateralismo bilang susi sa paggarantiya upang ang lahat ng nangangailangang tao sa buong daigdig ay magkakamit ng bakuna kontra COVID-19. 

 

“Inaasahan namin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina at ibang partner hinggil dito,” saad niya.

 

Nang araw rin iyon, sinuportahan din ni Josef Borell, Mataas na Kinatawan ng EU sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad, ang kapasiyahan ng Tsina.

 

Sinabi  niyang sa pamamagitan lamang ng totoong pagsisikap at pagtutulungan maaaring makamtan ang tagumpay sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19.

Paglahok ng Tsina sa COVAX, malugod na tinanggap ng EU_fororder___172.100.100.3_temp_9500049_1_9500049_1_1_6d381144-278d-4338-9401-f4e3a5382fe3

 

Salin:Sarah

Please select the login method