Pagkaraang bumisita sa Tsina ang Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas at Espesyal na Sugo ng Pangulo ng Indonesia, sinimulan nitong Linggo, Oktubre 11, 2020 ang biyahe ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa Kambodya, Malaysia, Laos, Thailand at Singapore. Ito ang bagong round ng pagpapalitang diplomatiko sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa bagong kalagayan ng regular na pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pagkaraang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, nagbuklud-buklod at nagtulungan ang Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, upang labanan ang pandemiya at panumbalikin ang kabuhayan. Maraming beses na nakipag-usap sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider ng mga bansang ASEAN. Sumusulong ang kooperasyon ng Tsina at mga kaukulang bansa sa mga aspektong gaya ng materyal at pasilidad na medikal kontra pandemiya, pagbabahagi ng karanasan sa pagpigil sa pandemiya, bakuna at iba pa.
Bilang bansang namumuno sa teknikal ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna sa buong mundo, bibigyan ng panig Tsino ng priyoridad ang pangangailangan ng mga bansang ASEAN pagkaraang iprodyus ang bakuna.
Nagtutulungan din ang Tsina at ASEAN sa pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayan. Mula noong Enero hanggang Agosto ng 2020, 416.55 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, at ito ay lumaki ng 3.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang ASEAN ay naging pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Madalas na ipinapadala kamakailan ng Amerika ang mga bapor at eroplano sa rehiyon ng South China Sea, para ipakita ang sariling sandatahang lakas. Kasabay nito, sinasadyang pinapalaki ng mga pulitikong gaya ni Mike Pompeo ang isyu ng South China Sea, at patuloy na sinusulsulan ang relasyon ng Tsina sa mga bansang ASEAN.
Ang walang humpay na pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN ay mabisang tugon sa panunulsol ng puwersang panlabas.
Sa susunod na yugto, madalas na gaganapin ang serye ng mga aktibidad na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN na gaya ng mga summit ng kooperasyon ng Silangang Asya, Ika-17 China-ASEAN Expo, China-ASEAN Business and Investment Summit, Ika-30 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Dialogue Partnership ng Tsina at ASEAN at iba pa. Ang mga aktibidad na ito ay tiyak na makakapagpasulong sa pag-a-upgrade ng kooperasyong Sino-ASEAN, makakatulong sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN, at magpapatingkad ng mas malaking papel sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon at buong mundo.
Salin: Vera
标签:Tsina ASEAN CMG Komentaryo: Masiglang kooperasyong Sino-ASEAN malakas na tugon sa panunulsol na panlabas Radyo Internasyonal ng Tsina