Tsina at Kambodya: lalo pang palalakasin ang komprehensibong kooperasyon

2020-10-13 17:12:10  CMG
Share with:

Tsina at Kambodya: lalo pang palalakasin ang komprehensibong kooperasyon_fororder_wangyi02

Tsina at Kambodya: lalo pang palalakasin ang komprehensibong kooperasyon_fororder_wangyi01

Nagtagpo Oktubre 12, 2020, sa Phnom Penh, sina Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya at Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.

Ipinahayag ni Wang na ang Kambodya ay unang bansang kaniyang pinuntahan sa Timog Silangang Asya, at ito ay nagpapakita ng mabuting tradisyon ng Tsina at Kambodya ng pagsuporta sa isa’t isa, at mainam na tunguhin ng pagpapasulong ng pinagbabahaginang kinabukasan ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kambodya, para malalim na talakayin ang isyung tulad ng pagharap sa hamon ng pandemiya, at lalo pang palakasin ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Hun Sen na buong tatag na nagsisikap ang Kambodya para palakasin ang komprehensibo at estratehikong partnership sa Tsina. Aniya pa, patuloy na susuportahan ng Kambodya ang Tsina sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina, at palalalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba’t ibang larangan.

Buong tatag na pangangalagaan ng Kambodya ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at ng buong daigdig, at tututulan ang power politics at hegemonismo, saad pa niya.

Malalim na nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung kapuwa nilang pinahahalagahan, at nilagdaan ang mga dokumentong pangkooperasyon, na tulad ng Kasunduan ng Tsina at Kambodya sa Malayang Sonang Pangkalakalan at iba pa.

Salin:Sarah

Please select the login method