Binatikos kamakailan ng Tsina ang trilateral arms control negotiation na isinusulong ng Amerika.
Sa kanyang talumpati nitong Oktubre 12, 2020, sa general debate ng Ika-75 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), tinutulan ang naturang negosasyon ni Geng Shuang, Puno ng Delegasyong Tsino at Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN.
Ani Geng, naninindigan ang Tsina sa estratehiyang nuklear na pang-depensa at panatilihin ang puwersang nuklear sa pinakamababang lebel na gagarantiya sa kaligtasan ng bansa. Hindi isasagawa ng Tsina ang nuclear arm race. Dagdag niya, ang bilang ng mga sandatang nuklear ng Tsina ay higit na mas mababa kaysa mga bilang ng Rusya at Amerika, kaya di-patas, di-makatuwiran at di-mangyayari ang kahilingan ng Amerika na isali ang Tsina sa trilateral arms control negotiation.
Hindi sinasang-ayunan ito ng Tsina at hindi rin tatanggapin ng Tsina ang anumang pagbabanta, aniya Geng.
Binigyan-diin din ni Geng na mula noong unang araw ng pagkaroon ng sandatang nuklear, sinusuportahan ng Tsina ang komprehensibong pagbabawal at pagsisira ng sandatang nuklear. Ipinaalam na ng Tsina na hindi gagamitin ng Tsina ang sandantang nuklear o magbabantang gamitin ang sandatang nuklear sa bansa o rehiyon na walang sandatang nuklear. Ang Tsina ay tanging bansa, sa lahat ng 5 bansang mayroong sandatang nuklear, na gumawa ng naturang pangako.
Nakahanda ang Tsina na isagawa ang may kabuluhang diyalogo sa iba’t ibang bansa hinggil sa isyu ng estratehikong seguridad, batay sa pundasyon ng paggalang sa isa’t isa, saad ni Geng.
Salin:Sarah