Kabuhayang pandaigdig sa 2020, bababa ng 4.4% — IMF

2020-10-14 10:52:11  CMG
Share with:

Ayon sa “Ulat ng Prospek ng Kabuhayang Pandaigdig” na isinapubliko nitong Martes, Oktubre 13, 2020 ng International Monetary Fund (IMF), tinataya nitong sa kasalukuyang taon, bababa ng 4.4% ang kabuhayang pandaigdig. Ngunit, lalaki ng 1.9% ang kabuhayang Tsino na mangangahulugang ang Tsina ay magiging tanging pangunahing ekonomiya sa daigdig na magkakaroon ng  paglaki ng kabuhayan.

 

Ayon sa ulat, kasunod na unti-unting pagpapanumbalik ng kabuhayan, umaahon ang kabuhayang pandaigdig. Bilang mahalagang tagapag-ambag, tinutulungan ng Tsina ang pag-ahon ng kalakalang pandaigdig mula noong nagdaang Hunyo.

 

Salin: Lito

Please select the login method