Pangulong Xi: Pasulungin ang reporma sa mas malakas na katapangang pulitikal

2020-10-14 16:30:41  CMG
Share with:

Bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone (SEZ), unang SEZ at pinto ng pagbubukas sa labas at reporma ng Tsina, isang malaking pagtitipun-tipon ang idinaos ngayong umaga sa naturang lunsod na matatagpuan sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng bansa.


 
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na  ngayon, ang reporma ay nasa bagong yugto na pangkasaysayan. Dapat pasulungin ang reporma sa pamamagitan ng mas malakas na katapangang pulitikal.


 
Para sa pag-unlad ng Shenzhen sa hinaharap, dapat pahalagahan ang pangangailangan ng sistema ng soyalismong market economy. Dapat buong tatag na palawakin sa Shenzhen ang pagbubukas sa labas, para itatag ang bukas na bagong sistemang pangkabuhayan sa mas mataas na lebel, diin ni Xi.


 
Salin:Sarah

 

Please select the login method