Bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone (SEZ), unang SEZ at pinto ng pagbubukas sa labas at reporma ng Tsina, isang malaking pagtitipun-tipon ang idinaos ngayong umaga sa naturang lunsod na matatagpuan sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pasulungin ang pag-unlad ng special economic zone sa mas mabuti at mas mataas na lebel.
Inilahad ni Pangulong Xi ang sampung prinsipyo ng pag-unlad ng special economic zone sa bagong era.
Una, dapat igiit ang pamumuno ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC).
Ikalawa, dapat pabutihin ang sistemang sosyalismong may katangiang Tsino.
Ikatlo, dapat paunlarin ang reporma sa patunubay ng ideya.
Ika-apat, dapat isagawa ang komprehensibong pagbubukas sa labas.
Ikalima, dapat isagawa ang inobasyon.
Ika-anim,dapat makinabang ang mga mamamayan mula sa bunga ng reporma.
Ikapito, ang Rule of Law ay dapat maging garantiya ng pag-unlad ng special economic zone. Ikawalo, dapat isagawa ang sustenableng pag-unlad ng kapuwang kabuhayan at ekolohikal na kapaligiran.
Ikasiyam, dapat manangan sa pundamental na patakaran ng “Isang Bansa Dalawang Sistema” at pang-sampu, dapat mag-ambag sa pag-unlad ng buong bansa.
Salin:Sarah