Tsina, sumali ng COVAX; Komunidad ng daigdig, positibong pinahahalagahan ito

2020-10-14 16:27:33  CMG
Share with:


 
Positibong pinahahalagahan ng komunidad ng daigdig ang pagsali ng Tsina sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility (COVAX), na magkakasamang itinataguyod ng World Health Organization (WHO) at Global Alliance for Vaccines and Immunization (GAVI).


 
Sunud-sunod na pinapurihan ang kapasiyahan ng Tsina  nina Seth Berkley, GAVI CEO, Ursula von der Leyen, Pangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo, Josef Borell, Mataas na Kinataawn ng EU sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad, at mga dalubhasa at iskolar mula sa Amerika, Singapore at ibang bansa.


 
Iniulat rin ng mga media sa iba’t ibang bansa na matagumpay na nakontrol ng Tsina ang pandemiya ng COVID-19, at nangunguna ang Tsina sa pananaliksik ng bakuna ng COVID-19 sa buong daigdig. Ayon sa ulat na isinapubliko nitong Oktubre 10, 2020, ng Washington Post, ang pagsali ng Tsina ng COVAX ay makakabuti sa multilateral na kooperasyon. May pagkakataon ang Tsina na maging lider sa larangan ng pampublikong kalusugan.


 
Salin:Sarah

Please select the login method