Inilabas kamakailan ni Michael McCaul, mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Amerika, at miyembro ng House Foreign Affairs Committee ang di-umanong "ulat ng imbestigasyon" tungkol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pinagsama ng ulat ang mga huwad na impormasyon tungkol sa akusasyon sa Tsina sa pagharap sa pandemiya. Halimbawa, inilihim ng Tsina ang mga data ng epidemiya sa loob ng Tsina, hindi napapanahong ibinahagi ng Tsina ang mga impormasyon ng pathogen at virus genome sequence, at iba pa.
Ang naturang mga huwad na impormasyon ay matagal nang inimbento at pinalalaganap ng ilang politikong Amerikano. Ang pagsipi ng ulat ni McCaul ng mga panlilinlang na ito ay isa pang aksyon ng panig Amerikano para ibaling ang sisi sa iba.
Buong sikap at mabisang nahawakan ng Tsina ang pandemiya ng COVID-19, at may mga patunay ito.
Pagkaraang kumpirmahin noong Disyembre 27, 2019, ng lokal na Center for Disease Control and Prevention ng Wuhan ang pagsiklab ng epidemiya ng pneumonia na hindi pa natutukoy ang sanhi, natuklasan ng panig Tsino sa loob ng 8 araw ang novel coronavirus bilang pathogen, at idinebelop ang test kit sa loob ng 16 araw.
Kaagad ding ibinahagi ng Tsina sa World Health Organization, mga bansa at organisayon, ang mga impormasyon tungkol sa epidemiya. Halimbawa, simula Enero 1, 2020, ibinahagi ng Tsina ang mga data ng epidemiya. Noong Enero 9, ibinahagi ang pathogen, at noong Enero 12 naman, ibinahagi ang genome sequence ng novel coronavirus.
Samantala, pagkaraang kumpirmahin noong Enero 19 ng grupo ng mga ekspertong medikal ang pagkalat ng novel coronavirus sa pagitan ng mga tao, agarang ipinasiya ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng lockdown ng Wuhan, at noong Enero 23, pormal na ipinatupad ang lockdown.
Sa katotohanan, noong Enero 23, 9 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa labas ng Tsina, at 1 lamang ang nasa Amerika. Nang isara noong Pebrero 2 ng Amerika ang hanggahan nito sa mga mamamayang Tsino, mahigit 10 ang mga kumpirmadong kaso sa bansang ito.
Pero sa kasalukuyan, lumampas sa 8 milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at halos 220 libo naman ang bilang ng mga nasawi.
Bilang pinakamalakas na bansa sa daigdig na may pinakamabuting yamang medikal, bakit naging ganito kagrabe ang epidemiya sa Amerika, at bakit nabigo ang pagkontrol ng pamahalaang Amerikano sa epidemiya? Marahil ay haharapin ng panig Amerikano ang sariling pananagutan, at hindi pagtatakpan ang totoong sanhi sa pamamagitan ng panlilinlang o pagbaling ng sisi sa iba.
Salin: Liu Kai