CMG Komentaryo: Tsina, ibayo pang magbubukas sa labas sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng Shenzhen SEZ

2020-10-15 12:11:31  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Tsina, ibayo pang magbubukas sa labas sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng Shenzhen SEZ_fororder_VCG41N947721096

  Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone (SEZ), unang SEZ ng Tsina, na nagsisilbing pinto ng bansa sa reporma at pagbubukas sa labas.

  Inilarawan minsan ng magasing Economist ang Shenzhen SEZ bilang“Milagro ng Shenzhen” at itinuring itong pinakamatagumpay sa mahigit 4,000 SEZ ng buong mundo.

  Bilang selebrasyon sa apat na dekadang pag-unlad ng Shenzhen SEZ, isang maringal na pagtitipun-tipon ang ginanap nitong Miyerkules, Oktubre 14 sa Shenzhen, siyudad sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina.

  Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang desisyon ng bansa para mapalalim ang reporma at pagbubukas sa labas, kung saan ang Shenzhen ay patuloy na magsisilbi bilang demonstration area para sa mga pilot reform mula taong 2020 hanggang 2025.  

  Ipinahayag din ni Xi ang taos-pusong imbitasyon at pagtanggap sa mas maraming dayuhan para makilahok sa pag-unlad at pagbubukas sa labas ng mga SEZ ng bansa.

  Ani Xi, hindi maisasakatuparan ang mabilis na pag-unlad ng Shenzhen kung walang pagsasama at pagtitiyaga ng mga talento at kompanyang banyaga.

  Umaasa ani Xi ang Tsina na ang ibayo pang pagbubukas at pag-unlad ng Shenzhen ay patuloy na magkakaloob ng pagkakataon para sa kaunlaran ng iba’t ibang indibiduwal, kompanya at bansang dayuhan.

  Noong Disyembre, 1978, nagpasiya ang pamahalaang Tsino na isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Noong Agosto, 1980, nagpasya ang bansa na itatag ang SEZ sa apat na siyudad na kinabibilangan ng Shenzhen, Zhuhai, Shantou at Xiamen. Noong Abril, 1988 naman, itinatag ang Hainan Special Economic Zone.

  Itinuring ng Economist ang Shenzhen bilang himala, dahil naisakatuparan nito ang napakabilis na pag-unlad sa loob lamang ng apat na dekada. Kadalasang gumugugol ng mahigit sandaang taon ang ibang pandaigdig na metropolis para makamtan ang tagumpay na ito. Noong 2019, umabot sa 2.7 trilyong yuan RMB ang GDP ng Shenzhen mula sa 270 milyong yuan RMB noong 1980, na umani ng 20.7% na karaniwang taunang paglaki. Samantala, umakyat sa 431.5 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Shenzhen noong 2019, at ang datos na ito noong 1980 ay 18 milyong dolyares lamang, na nagpapakita ng 26.1% karaniwang taunang paglaki.

CMG Komentaryo: Tsina, ibayo pang magbubukas sa labas sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng Shenzhen SEZ_fororder_shenzhen1

CMG Komentaryo: Tsina, ibayo pang magbubukas sa labas sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng Shenzhen SEZ_fororder_shenzhen2

  Kaugnay ng pag-unlad sa hinaharap ng Shenzhen, ipinagdiinan ng pangulong Tsino ang kahalagahan ng pagpapauna sa interes at kapakinabangan ng mga mamamayan at inobasyon sa pangangasiwa.

  Noon pa mang 2008, tinularan ng Cambodia ang Shenzhen SEZ para itatag ang Sihanoukville Special Economic Zone (SSEZ). Ayon naman sa isang opisyal ng Tanzania, ang Bagamoyo Special Economic Zone ng kanyang bansa ay sumunod din sa modelo ng pag-unlad ng Shenzhen. Ang ibayo pang pag-unlad at pagbubukas sa labas ng Shenzhen ay inaasahang magbabahagi ng mas maraming karanasang posibleng mapulot ng mga bansang dayuhan.

  

  Salin: Jade

  Pulido: Rhio

  

  

Please select the login method