Hinihimok ng Tsina ang Amerika na itakwil ang ideya ng Cold War, pagkiling pang-ideolohiya, at ihinto ang pagsasapulitika ng normal na pagpapalitang kultural.
Ito ang ipinahayag Oktubre 14, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa walang batayang pagbatikos ng Konseho ng Estado ng Amerika sa Tsina, Rusya, at iba pang bansa.
Ayon sa pahayag, Oktubre 13, 2020, sa opisyal na website ng Konseho ng Estado ng Amerika, sinabi na sinusubukang impluwensiyahan ng Tsina, Rusya at iba pang bansa ang patakarang diplomatiko ng Amerika sa pamamagitan ng mga think tank.
Hiniling din ng Konseho ng Estado ng Amerika sa mga kooperatibang organisasyon, na kinabibilangan ng mga think tank, na isapubliko ang mga natatanggap na pondo mula sa mga pamahalaang dayuhan.
Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao na bukas, malinaw, at lehitimo ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng mga think tank ng Tsina at Amerika, na gumaganap ng mahalagang papel para sa pagpapabuti ng pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin:Sarah