Bumalik sa katumbas na lebel bago ng pandemiya COVID-19 ang paglaki ng internet retail sales ng Tsina.
Ipinahayag ito Oktubre 15, 2020, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina.
Ayon kay Gao, hanggang noong katapusan ng Setyembre, sa 832 mahihirap na nayon ng buong bansa, umabot sa 3.05 milyon ang mga kompanya ng e-commerce, at umabot sa 206.88 trilyong yuan RMB ang halaga ng internet retail sales nila mula Enero hanggang Setyembre, na lumaki ng 24.1% kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon.
Mas mataas ang paglaki ng internet retail sales noong ika-3 kuwarter ng 2020 kumpara sa paglaki nito sa buong taon ng 2019.
Salin:Sarah