Tsina at Thailand, handang pasulungin pa ang kanilang komprehensibo’t estratehikong partnership

2020-10-16 10:50:38  CMG
Share with:

Bangkok — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Oktubre 15, 2020 (local time) kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, ang pasasalamat sa ibinibigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa pakikibaka ng panig Thai laban sa pandemiya ng COVID-19.

 

Umaasa aniya ang Thailand na mapapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa paggawa  ng bakuna, at magkasamang itatatag ang malusog na Silk Road. Dapat magkasamang pagplanuhan ng dalawang panig ang kooperasyon sa post-pandemic era para mapasulong pa ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, aniya pa.

 

Idinagdag pa niya na patuloy at matatag na mananangan ang Thailand sa prinsipyong “Isang Tsina.”

 

Ipinahayag naman ni Wang na sinubok ng pandemiya ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, bagay na nagpapakita ng malakas na pleksibilidad at malinaw na prospek ng kooperasyong Sino-Thai.

 

Ani Wang, buong tatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang pagtahak ng panig Thai sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado. Kinakatigan din ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng panig Thai para mapangalagaan ang katatagang panlipunan at maisakatuparan ang kaunlaran at kasaganaan, dagdag niya.

 

Salin: Lito

Please select the login method