Konstruksyon ng 5G sa Tsina, nangunguna sa daigdig

2020-10-16 16:02:29  CMG
Share with:

 

Idinaos mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 16, 2020 sa China National Convention Center (CNCC) sa Beijing, ang 2020 PTEXPO na may temang “ConnXion shapes the Future.”

 

Kasalukuyang natapos ng Tsina ang konstruksyon ng mahigit 600 libong 5G base stations, at umabot sa 150 milyon ang mga end user customers ng nasabing serbisyo. Nasa unang puwesto sa buong daigdig ang progreso ng pagtatatag ng Tsina ng 5G. Ibinalita ito ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon (MIIT) ng Tsina.

 

Sinabi din ni Liu Liehong, Ministro ng MIIT ng Tsina na lalo pang pabibilisin ng Tsina ang konstruksyon ng 5G, aktibong pasusulungin ang pagdedeploy ng teknolohiya ng 5G sa industriya, larangan ng transportasyon,  medikal at iba pang mahalagang sektor upang buuin ang mabuting modelo ng pagpapaunlad ng 5G.

 

Konstruksyon ng 5G sa Tsina, nangunguna sa daigdig_fororder_5g02

Konstruksyon ng 5G sa Tsina, nangunguna sa daigdig_fororder_5g03

Konstruksyon ng 5G sa Tsina, nangunguna sa daigdig_fororder_5g01

Salin:Sarah

Please select the login method