Kooperasyon ng Amerika at Tsina, kailangang kailangan para sa buong sangkatauhan - ekspertong Amerikano

2020-10-17 17:02:39  CMG
Share with:

Sa programa kamakailan sa China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Robert Lawrence Kuhn, ekspertong Amerikano sa isyu ng Tsina, na kinakaharap ng Amerika at Tsina ang maraming komong hamong gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagbabago ng klima, pandaigdigang karalitaan at kawalan ng pagkakapantay-pantay, terorismo, organisadong krimen, at iba pa.

 

Sa ilalim ng kalagayang ito aniya, mahalaga ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Ipinalalagay ni Kuhn, na kailangang hanapin ng Amerika at Tsina ang tumpak na landas, para mapayapa at maharmonyang makipamuhayan ang dalawang bansa sa isa't isa, batay sa katapatan, dignidad, at paggagalangan.

 

Dagdag niya, kailangang kailangan ang kooperasyon ng Amerika at Tsina, upang ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ay makapagdulot ng tunay na pakinabang sa sangkatauhan.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method