Promosyon ng “Xi Jinping: The Governance of China III,” idinaos sa Heidelberg

2020-10-18 14:57:23  CMG
Share with:

Heidelberg, Alemanya — Idinaos kamakailan ang promosyon ng aklat na “Xi Jinping: The Governance of China III na itinataguyod ng CBT China Book Trading GmbH at Sino German Hi Tech Park Holding GmbH & Co. KG..

 

Sa kanyang video speech, tinukoy ni Sun Congbin, Consul General ng Tsina sa Frankfurt, na ang Xi Jinping: The Governance of China ay first hand material na nakakatulong sa pagka-unawa ng daigdig sa Tsina.

 

Sinabi niya na sistematikong inilahad sa aklat ang dahilan kung bakit nagtamo ng malaking pag-unlad ang Tsina, sumulong ang ideya ng landas ng pag-unlad ng Tsina, at umunlad ang ideya ng Tsina sa pagtatatag ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan.

 

Ipinahayag pa niya ang pag-asang sa pamamagitan ng aklata na ito, malalim na mauunawaan ng mas maraming kaibigang Aleman ang Tsina, ibayo pang mapapalalim ang pag-uunawaan ng mga mamamayang Tsino at Aleman, at mapapasulong pa ang mapagkaibigang relasyong Sino-Aleman.

 

Salin: Lito

Please select the login method