Ipinahayag Oktubre 18, 2020, ng Ministring Panlabas ng Iran na mula Oktubre 18, walang pasubaling itinigil ang embargo ng armas ng United Nations (UN) laban sa bansa.
Anang pahayag, hindi kailangan ang anumang pasubali para itigil ang anumang embargo sa Iran, ayon sa regulasyon ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Hindi rin kailangan ang pagpapatibay ng bagong kasunduan, at pahayag ng UN Security Council o anumang bagong hakbangin anito pa.
Mula noong Oktubre 18, awtomatikong itinigil ang anumang limitasyon ng arms transition sa loob at labas ng Iran at mga kinauukulang aktibidad at serbisyong pinansyo; at itinigil din ang mga pagbabawal sa ilang mamamayan at tauhang militar ng Iran na pumasok o mag-transit sa miyembro ng UN.
Ayon sa pangangailangan ng pagdepensa sa sarili, maaaring bumili ang Iran ng kinakailangang sandata mula saan man, maaari ring magbenta ang Iran ng sandata ayon sa sariling patakaran, at hindi kailangan ang limitasyong pambatas.
Salin: Sarah