Kinumpirma Sabado, ika-17 ng Oktubre 2020, ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Tsina, ang pagkatuklas at pagkuha sa buhay pang novel coronavirus sa balot ng inangkat na frozen cod sa Qingdao, baybaying lunsod sa silangan ng bansa.
Ito ang kauna-unahang okasyon sa daigdig na nakakuha ng buhay pang ispesimen ng novel coronavirus sa balot ng cold-chain food, dagdag ng CDC.
Sinabi ng CDC, na pinatutunayan nitong ang pagkakaroon ng kontak sa pambalot na may buhay pang novel coronavirus ay maaaring humantong sa pagkakasakit ng mga tao ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Salin: Liu Kai