Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Lunes, ika-19 ng Oktubre 2020, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, lumaki ng 4.9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina noong ika-3 kuwarter ng taong ito, kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Samantala, ang GDP ng Tsina mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito ay lumaki ng 0.7%.
It ay nangangahulugang bumalik na tunguhin ng paglaki ng kabuhayang Tsino, pagkaraang maitala ang 1.6% na pagbaba noong unang hati at 6.8% na pagbaba noong unang kuwarter ng taong ito.
Sa harap ng epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), inilabas ng pamahalaang Tsino ang maraming hakbanging gaya ng pagdaragdag ng pamumuhunan ng pamahalaan, pagbabawas ng buwis, pagpapababa ng lending rate at reserve requirement ng mga bansa, at iba pa, para mapatatag ang paglaki ng kabuhayan at paghahanapbuhay.
Dahil nakontrol na sa loob ng Tsina ang COVID-19, muling nagbukas ang mga bahay-kalakal at paaralan sa buong bansa, at napanumbalik ang kasiglahan sa mga lugar na panturista.
Salin: Liu Kai