Tsina, nakakapag-ambag sa pandaigdigang usapin ng pagpapa-ahon ng kabuhayan ng mahihirap

2020-10-20 10:28:14  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 19, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpawi ng Tsina sa karalitaan ay may positibong katuturan para sa buong daigdig.
 
Sinabi niya na nakakapagbigay ang Tsina ng puwersa sa pagpapabilis ng proseso ng pagbabawas ng karalitaan sa daigdig, at nagkakaloob ng tulong sa usaping ito ng daigdig.
 
Ipinahayag niya na isinapubliko kamakailan ng panig Tsino ang “Eradication of Extreme Poverty: China's Practices Report” kung saan komprehensibong ibinabahagi sa komunidad ng daigdig ang karanasan at praktis nito sa pagpawi sa karalitaan sa iba’t-ibang larangan.
 
Bukod dito, kasabay ng pagpapasulong ng proseso ng sariling pagpawi sa karalitaan, palagiang binibigyang-tulong ng Tsina sa abot ng makakaya, ang malaking bilang ng mga umuunlad na bansa.

 

Salin: Lito

Please select the login method