Wala ng bisa ang embargo ng armas sa Iran at pagbabawal ng paglalakbay sa Iran na ipinataw ng United Nations Security Council (UNSC). Ito ay lubos na nagpakita ng komong paninindigan ng komunidad ng daigdig sa pangangalaga sa multilateralismo, awtoridad ng UNSC, bunga ng isyung nuklear ng Iran at pagiging mabisa ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Ito ang ipinahayag Oktubre 19, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon sa UNSC Resolution 2231, nag-expire noong Oktubre 18, 2020 ang embargo ng armas sa Iran at pagbawal ng paglalakbay sa Iran, at ito ay nangangahulugan ng pagtatapos ng pagsasakatuparan ng unang yugto ng UNSC Resolution 2231, saad ni Zhao.
Salin:Sarah