Mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa, positibong pinahahalagahan ang estadistika ng kabuhayang Tsino sa unang tatlong kuwarter ng 2020

2020-10-20 17:13:27  CMG
Share with:

 

 

Lubos na pinahahalagahan ng mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa ang estadistika ng kabuhayang Tsino noong unang 3 kuwater na isinapubliko Oktubre 19, 2020, ng Pambansanng Kawanihan ng Estadistika ng Tsina.

 

Ipinalalagay ng mga eksperto ng Singapore, India, Ethiopia, Amerika at Britanya na mabuti ang mga pangunahing index ng kabuhayang Tsino.

Mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa, positibong pinahahalagahan ang estadistika ng kabuhayang Tsino sa unang tatlong kuwarter ng 2020_fororder_Ethipoia.JPG

Si Ahmedin Mohammed, Ministro ng Inobasyon at Teknolohiya ng Ethiopia

Mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa, positibong pinahahalagahan ang estadistika ng kabuhayang Tsino sa unang tatlong kuwarter ng 2020_fororder_india.JPG

si Prasoon Sharma, dalubhasa ng India Global Centre for Chinese

Mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa, positibong pinahahalagahan ang estadistika ng kabuhayang Tsino sa unang tatlong kuwarter ng 2020_fororder_xinjiapo.JPG

Si Tommy Dongming Xie, ekonomista ng Singapore

Iniulat ng The New York Times ng Amerika na ipinakita muli ng Tsina sa daigdig na ang pagkontrol sa COVID-19 ay nakakabuti sa mabilis na pagbangon ng kabuhayan.  

 

Sinipi ng Cable News Network (CNN) ng Amerika ang pahayag ng dalubhasa sa ekonomiko na nagsasabing patuloy na mabilis ang pagbangon ng kabuhayang Tsino sa nasabing panahon.

 

Iniulat din sa Financial Times ng UK na ang kabilisan ng paglaki ng GDP ng Tsina noong ikatlong kuwarter ay malapit sa lebel bago ang pandemiya ng COVID-19.

 

Bukod dito, ipinalalagay ni Victor Gaspar, opisyal ng International Monetary Fund (IMF) na nakuha ng Tsina ang bunga, at ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino ang malalaking suporta para rito.

Mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa, positibong pinahahalagahan ang estadistika ng kabuhayang Tsino sa unang tatlong kuwarter ng 2020_fororder_IMF.JPG

Si Victor Gaspar ng International Monetary Fund (IMF)

Ipinalalagay naman ni David Ramirez mula sa International Institute for Strategic Studies (IISS), Think Tank ng Britanya, na ang Tsina ay may mahalang papel sa supply chain ng kabuhayang pandaigdig. Ang mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino ay makakabuti sa pagpapasulong ng pag-angat ng kabuhayan sa buong mundo.

Mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa, positibong pinahahalagahan ang estadistika ng kabuhayang Tsino sa unang tatlong kuwarter ng 2020_fororder_uk.JPG

Si David Ramirez ng International Institute for Strategic Studies(IISS)ng Britanya

 

 

Salin:Sarah 

Please select the login method