Iniulat kamakailan ng ilang Think Tank ng mga bansang kanluranin na ang “forced labor” ay normal na nangyayari sa Xinjiang.
May katotohanan ba ito? Para malaman ang katotohanan, inanyayahan ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Xinjiang ang mga dalubhasa at iskolar na magsagawa ng pagsusuri sa isyung ito.
Naglakbay ang grupo ng dalubhasa sa mahigit 70 kompanya sa iba’t ibang lugar ng Xinjiang, nakisalamuha sila sa mahigit 800 manggagawa, at sinaliksik ang 26 na opisyal na dokumento at 48 papers hinggil sa temang ito na inilathala mula noong 2005.
Pagkaraan ng pagsusuri, ipinalalagay ng grupo ng dalubhasa na nakakatulong ang lokal na pamahalaan ng Xinjiang at ibang mga departamento sa iba’t ibang antas sa mga taga-Xinjiang pagdating sa pagtatrabaho, lubos na tinitiyak ang paggalang sa mga pundamental na karapatan ng mamamayan sa Xinjiang, walang “forced labor” sa Xinjiang. Mali ang ilang konklusyon ng mga Think Tank sa kanluran.
Ayon sa estadistika, mula noong 2014 hanggang 2019, umabot sa 6.957 milyon ang mga mamamayang sumailalim sa skills training sa Xinjiang, at ang 2.325 milyon sa mga ito ay mula sa apat na prefectures ng dakong Timog na bahagi ng Xinjiang.
Figure 1,unit:10,000 person-times; asul na bar para sa “buong Xinjiang”; pulang bar para sa katimugan ng Xinjiang
Figure 2, unit:10,000 people; asul na bar para sa “bagong negosyante”; pulang bar para sa “trabaho na ipinagkaloob ng bagong negosyante ”
Sa pamamagitan ng tulong ng pamahalaan, nakuha ng mga mamamayan ang kasiya-siyang trabaho. Ayon sa estadistika, mula noong 2014 hanggang 2019, 16.57 milyong rural laborers ng Xinjiang ay nagkaroon ng trabaho sa labas ng nayon, umabot sa 2.762 milyon ang taunang average, na kinabibilangan ng 10.07 milyon mula sa dakong timog ng Xinjiang, na may 1.678 milyon na taunang average.
Figure 3:Unit: 10,000 people; asul na bar para sa “buong Xinjiang”; pulang bar para sa “katimugan ng Xinjiang”