Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 19, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na sa kasalukuyan, 184 na bansa’t rehiyon ang lumalahok sa COVID-19 Vaccines Global Access Facility (COVAX) na itinataguyod ng WHO at partner nito. Aniya, may pag-asang patas at epektibong makukuha ng mas maraming bansa ang bakuna ng COVID-19.
Ipinahayag pa niyang kasunod ng pagdating ng taglamig sa Northern Hemisphere, pumasok ang kalagayan ng pandemiya sa isang “nakakabahalang yugto,” at mabilis na tumataas ang karagdagang bilang ng kumpirmadong kaso sa Europa at North America.
Dagdag niya, sa nasabing kalagayan, dapat lubusang gamitin ng iba’t-ibang bansa ang mabisa at komprehensibong hakbangin para maputol ang pagkalat ng virus at iligtas ang mga buhay.
Salin: Lito