Sa kasalukuyan, maayos na umuusad ang paggawa at pagsubok ng Tsina sa bakuna ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa advanced stage o sulong na katayuan sa buong daigdig.
Ayon pa sa news briefing na idinaos nitong Martes, Oktubre 20, 2020 ng Mekanismo ng Konseho ng Estado sa Magkakasanib na Pagpigil at Pagkontrol, patuloy na magsisikap ang Tsina kasama ng komunidad ng daigdig para mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa daigdig.
Sa nasabing news briefing, isinalaysay ni Tian Baoguo, Pangalawang Puno ng Departamentong Pansiyensiya’t Panteknolohiya ng Ministri ng Siyensiya’t Teknolohiya ng Tsina, na nakapasok na sa clinical trail ang 13 Chinese COVID-19 vaccines.
Ipinaalam din niya na handa na ang mga kaukulang kompanya na malawakang iprodyus ang mga bakuna. Sa susunod na taon, maipoprodyus nila ang mahigit 1 bilyong bakuna na kayang igarantiya ang sapat na pagsuplay ng bakuna, dagdag pa niya.
Salin: Lito